Sadyang napakahirap magpakilala kung wala ka namang katangian na dapat ipakilala. Ngunit kelangan magpakilala sa kadahilanang maaring bukas ay sisikat din ang araw at ikaw ay makikilala din sa larangan na iyong tinatahak. Sa aking nakagawian, napakadali para sa akin ipakilala at ipagmalaki ang isang tao. Ngunit sa aking katayuan, isang napakahirap na tungkulin ang ipakilala ang iyong sarili sa harap ng madla. Gayunma’y nais kong itampok ang aking sarili sa isang payak na artikulo na nilalaman ng pahinang ito ng aking blog.
Ang synopsis ng aking buhay ay sadyang napakasaklap dahil sa mga trahedya na nangyari sa aking buhay. Ang pagkamatay ng aking ama ay nasundan na pagkamatay ng aking lola na siyang nag aalaga sa akin ng nag ibang bansa ang aking ina. Ilang taon ang lumipas at namayapa rin ang aking lolo. Ang pagkamatay ng aking mga mahal sa buhay ang naging sandigan ko upang makapagtapos ng pag aaral sa tulong na gabay ng aking Kuya at mga kamag anak sa handog na pinansyal ng aking butihing tita Delia at maging sa iba pang tao na pamilya ang turing sa amin.(Hindi ko na sasabihin ang panagalan baka sabihin ng ibang tao na namumulitiko ako). Ng ako’y makapagtapos, ang nagsilbi kong gabay na aking kuya ang siya namang kinuha ng panginoon na mistulang pinaguho ng lubusan ang aking buhay. Tila lahat ng pangarap ko’y gumuho at wala ng kwenta pang bumangon muli. Napakahirap pala ng mawalan ng kuya na Idolo, Ama-amahan, tigagabay, best friend, halos lahat sa kuya ko meron na lahat ng bagay na gusto namin ay nagagawa naming ng meron pa siya. Sabi nga nila nasa huli palagi ang pagsisisi na parang ang ilang taon na samahan namin ng aking kuya ay hindi sapat upang ipadama sa kanya na siya ang idol ko at siya ang tinutularan ko. Marami siyang achievements na nagawa sa aming pamilya at sa kanyang bayan. Na para sa akin, nakakahiyang ihalintulad ko ang aking buhay upang matapatan ang kanyang mga nagawa. Napakasakit isipin na kaya ko pa ba gawin ang kanyang mga nagawa? Na ako ngayon naglalakad sa isang masukal na lugar ng lungsod upang magalugad ang mga bagay na magbibigay sa akin ng lakas upang lumaban sa buhay.
Ang buhay ko ay napakapayak gaya ng ibang tao dito sa lungsod. Pero isa lang maipagmamalaki ko, nasa tuwid na landas ako ng aking pamumuhay. Wala akong inaapkang tao at walang akong inaagrabyado. Isa lang din ang pangarap ko sa buhay. Ang maipakita ko ang aking successful na buhay sa aking pamilya. Ang maipagmalaki ako gaya ng paghanga naming sa aking kuya. Ang kuya ko ang simbolo ng aking mapangahas na paghamon sa bawat pagsubok ng aking buhay at ang tatay ko ang nagsisilbing apoy ng aking tapang upang walang dapat urungan na laban ng buhay.
___________________________________________________________________________
Narito ang iba pang mga blogger na kalahok sa proyektong ito:
http://www.glamourmoments.net/
http://tasteofgoodness.
http://akosiemersonsy.
http://www.marnelldelosreyes.
http://www.jeffreylimbauan.
http://www.eventlovershideout.


