Kitchen Ala Pobre

Marami sa atin na ang tanging pinapansin lang ay mga sosyal at mamahaling pagkain. Dapat tayong mga blogger may parteng dapat tayo ay makamasa at alam natin ang nasa hapagkainan ng masang Pilipino. Sabi nga nila, hindi lahat ng sosyal na pagkain ay masarap. Ako ay galling sa isang maralitang pamayanan kaya alam ko ang panglasa ko hinahanap hanap ang pagkaing makamasa.
Pag ikaw ay laking bukid o sa sabihing nating buhay bundok, madalas mong matitikman ang iba sa mga pagkain na ihahain ko ngayon sa aking blog. Ang buhay ko man sa ngayon ay nasa malawak na lungsod. Hinahanap ko pa rin ang panglasa ko sa mga pagkain na kinakain ko pag ako ay nkikisalamuha sa mga kasamak ng aming bukirin.
Tabi tabi po sa mga mayayaman at mapamili sa pagkain. Nais ko lang ipabatid na ang mga pagkaing ito ay nagsisilbing all time favorite ng maralitang mamamayan. Ito ay halaw ayon sa aking mga natikman.. Konte pa ito, marami pa akong hindi mababanggit na pagkain. Pero sa susunod na update ko, ihahain ko ito sa inyo.
Presenting mula sa KITCHEN ALA POBRE:

Day old and Tukneneng con Chili Vinegar
Day old at Orange Ball

Masarap na meryenda na mabibili sa kalye. Masarap na pulutan pag ang iniinom ay GIN BULAG. Masarap din na ulam pag umuulan.

Lugaw na Walang Sahog

Lugaw

Ang kariniwan na makikita sa hapagkainan ng maralita. Lagyan lng ng sibuyas, bawang at asin katalo na. Masarap ito kesa kumalam ang iyong sikmura.

Dry Fish con Garlic Vinegar

Dryfish

Wow, this is what I like. ay bakit ako nag english. hindi bagay. hehehe. Ang sarap nito lalo na pag tag ulan. Karaniwang umagahan at masarap ihalo sa champorado. Pag walang champorado, siyempre lugaw ang katapat niyan.

Mangga con Bagoong

Mangga with Bagoong

Masarap panghimagas lalo na pag nasa bukid. Masarap din pulutan ng mga sunog baga sa kanto. Masarap lalo na sa mga nanay na naglilihi. Ngunit ito’y pamatid gutom para sa mga taong minsan lang kumain sa isang araw.

Adobong Kangkong

adobong kangkong

Masarap na ulam sa pananghalian. Adobong kangkong na makikita na rin sa mga kilalang restaurant at fastfood. Pero ito’y ulam na mga maralita na kung baga isa sa mga specialty ng masa.

Burong Isda

buro

Mabangit ang amoy ngunit sa lasa panalong panalo. Swak na swak na sawsawan ng nilagang talong. Masarap pananghalian lalo na pag gutom na gutom. Paborito ko ito…

Instant Mami

instant mami

Kung dati ang pambansang ulam ng masa ay ang Galunggong. Ngayon, ang pambansang pagkain ng masa ngayon ay ang instant mami. Dahil sa ito na lamang ang kaya ng budget dahil sa abot kaya ito.

Kamote salad

kamote salad

Paborito sa probinsya. Sarap kainin lalo na pag vegetarian ka. Isa ito sa karaniwang makikita sa hapagkainan ng maralitang mamamayan. Ito ang hinahanap ko pag nasa bukid ako. Sarap sarap e.

Ilan lamang ito sa mga pagakaing ala pobre na hindi mo matatawaran dahil sa sarap nito. Pero kung ang panglasa mo ay panlasang pangmayaman, hindi mo maaapreciate ang mga pagkaing ito. Bilang isang blogger, katungkulan ko rin na ipakita sa aking blog ang mga bagay na karaniwan sa masa. Hindi lamang yaong mga bagay na karaniwan na sa mata ng mga nakaangat sa buhay o mga taong nabibilang sa Alta Social. Para sa akin masarap ang mga pagkaing ito dahil swak ito sa panglasa ko dahil pangkaraniwang tao lamang.

________________________________________________________________________________

Ako ay kalahok sa paligsahang proyekto ng Azrael’s Merryland para sa buwan ng Agosto.


Narito ang iba pang mga blogger na kalahok sa proyektong ito:
http://www.glamourmoments.net/
http://tasteofgoodness.blogspot.com/
http://akosiemersonsy.wordpress.com/
http://www.marnelldelosreyes.com/
http://www.jeffreylimbauan.blogspot.com/
http://www.eventlovershideout.com/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *